SA NGALAN NG PAG-IBIG

 Minsan sa buhay kailangan mong maging matatag at hintayin na huminog ang pagsasamahan. Nagsimula ang lahat sa pag-aaral ko ng kolehiyo sa Xavier Academy. Masaya? Oo, kasi maganda ang paaralan na pinapasukan ko. Araw-araw akong nagtutungo sa may silid- aklatan ng aming paaralan dahil nakahiligan kong magbasa at magkaroon ng mga bagong kaalaman. Normal lang kung maituturing ang araw na iyon ng dumaan ako sa may palaruan ng aming paaralan patungo sa silid -aklatan ng hindi ko namalayan ang bolang papalapit sa akin.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at nahilo ako. Gumising ako na nasa klinika na ako ng paaran at iniinda ko parin ang sakit ng aking ulo na nakabenda. Ako’y bahagyang nagulat ng naabot ng aking tingin ang isang lalaki na nakatulog sa aking tabi. Agad ko siyang ginising at paggising niya ay wala siyang bukang bibig kundi "paumanhin". Hindi naman ako pusong bato kung kaya’t agad ko siyang pinatawad, at doon ko unang nasilayan ang ngiti ni Mark. Simula ng pangyayaring iyon ay sinusundo na niya ako pagkatapos ng aking klase at sabay kaming naglalakad pauwi. Mas pinipili pa nga naming maglakad upang maging mas matagal ang aming pag – uusap na dalawa. Di nagtagal kahit na maiisip pa na malateleserye ang aming mga pinagdaanan ay nanliigaw si Mark sa akin. At dahil gusto ko rin naman siya ay hindi na ako nagdalwang isip na sagutin siya. Lumipas ang linggo, buwan at taon na naging masaya ang aming pagsasamang dalawa. Hanggang sa aming pangatlong anibersaryo ay natuklasan ko ang isang kondisyon na aking lubos na ikinagulat. 

Niyaya ako ng aking kaibigan na pumunta sa kaarawan ng aming isa pang kaibigan at naging mabilis ang mga pangyayari kung kaya’t hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Nang papauwi na ako ay tila kabang – kaba ako na hindi ko maintindihan. Akmang bubuksan ko pa lamang ang pinto ng aking silid ng may humila sa aking kamay sabay bayo ng napakalaakas na sampal sa akin, gulat na gulat ako sa pangyayari at sa lakas ng kanyang ginawa ay nagdugo ang aking bibig. Agad akong napaluhod at umiyak, agad niya akong pinatayo at niyakap sabay bulas niya ng “patawarin mo ako mahal”. Di ko malaman kug ano ang magiging reaksyon ko sa pagyayaring iyon. Agad nalang akong tumakbo at nagtago sa aking silid. Di ko namalayan sa aking pagmulat ay umaga na pala, binuksan ko ang pintuan upang lumabas at doon ko siya natagpuan sa may sala na nakahiga. Di ko mapagtanto ang aking gagawin sa mga oras na iyon dahil natatakot ako sa mga maari pa niyang magawa sa akin. Hanggang sa dumating ang araw ng aming sinsinang pag – uusap na kung saan doon niya ipinaliwanag sa akin ang lahat. Hindi niya makontrol ang kanyang galit at nakakagawa siya ng mga bagay na siya naman pinagsisisihan niya sa huli. Kahit masakit sa aking loob ang nangyari ay pinatawad ko siya at nagkasunod-sunod pa ang mga pananakit niya sa akin.

Hangga rin ako sa katatagan ko dahil kahit minsan hindi ko naisip na iwanan siya dahil alam ko ako lang ang meron siya at nakakaintindi sa kanya. Dumaan pa ang ang isang taon at nakapagtapos na kami pareho ng pag – aaral at doon na kami nagplano na magpakasal. Agad kaming biniyayaan ng isang magandang supling at si Mark, sumunod siya sa payo ko sa kanya na magpatingin sa espesyalista katulad ng kanyang kondisyon at di nagtagal ay nabago niya ang kanyang ugali at naging mabuting ama sa aming anak. Hindi ako nagsisisi sa aking mga sinakripisyo para sa kanya dahil ngayon ay maganda na ang daloy ng aming pamilya. Sa pag – ibig hindi lang tungkol sa saya at ngiti para sa bawat isa ngunit kakambal nito ang sakit, pagpapatawad at walang hanggang pagmamahal sa iyong kapareha. Lahat ay may pag – asa at nababago kaya’t tulad ng isang prutas huwag piliting pitasin kung hindi pa hinog, dapat ay maging matatag at handa na ito.  



Comments

Popular posts from this blog

KAPUSUKAN