SA NGALAN NG PAG-IBIG
Minsan sa buhay kailangan mong maging matatag at hintayin na huminog ang pagsasamahan. Nagsimula ang lahat sa pag-aaral ko ng kolehiyo sa Xavier Academy. Masaya? Oo, kasi maganda ang paaralan na pinapasukan ko. Araw-araw akong nagtutungo sa may silid- aklatan ng aming paaralan dahil nakahiligan kong magbasa at magkaroon ng mga bagong kaalaman. Normal lang kung maituturing ang araw na iyon ng dumaan ako sa may palaruan ng aming paaralan patungo sa silid -aklatan ng hindi ko namalayan ang bolang papalapit sa akin. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at nahilo ako. Gumising ako na nasa klinika na ako ng paaran at iniinda ko parin ang sakit ng aking ulo na nakabenda. Ako’y bahagyang nagulat ng naabot ng aking tingin ang isang lalaki na nakatulog sa aking tabi. Agad ko siyang ginising at paggising niya ay wala siyang bukang bibig kundi "paumanhin". Hindi naman ako pusong bato kung kaya’t agad ko siyang pinatawad, at doon ko unang nasilayan ang ngiti n...